Pandaigdigang Paunawa sa Privacy
Abril 2022
Ipinapaliwanag sa paunawa sa privacy ng data na ito (“Paunawa sa Privacy”) kung paano namin pinangangasiwaan ang personal na data (“Personal na Data”). na may kaugnayan sa iyong paggamit ng aming mga serbisyo, bilang isang customer, isang bisita at/o isang gumagamit ng aming mga website o mobile application, o paano mo man gustong makipag-ugnayan sa amin. Sa Paunawa sa Privacy na ito, inilalarawan din namin kung ang iyong Personal na Data ay ibinabahagi sa ibang mga partido at kung ano ang mga patakaran sa privacy na ipinapatupad namin upang protektahan ang iyong data.
Hinihikayat ka naming regular na suriin at tingnan ang Website / App para sa anumang update sa Paunawa sa Privacy na ito. Ipa-publish namin ang na-update na bersyon sa Website / App at sa patuloy na pakikipagtransaksyon sa amin, tinatanggap mo ang pagkakalapat ng Paunawa sa Privacy na ito sa mga angkop na sitwasyon.
Talaan ng mga nilalaman
- Anong Personal na Data ang kinokolekta namin, paano namin ito kinokolekta, at bakit?
- Katumpakan ng iyong Personal na Data
- e-KYC
- Lehitimong interes
- Gaano katagal pinananatili ng RIA ang Personal na Data?
- Ibinabahagi ba ng RIA ang aking Personal na Data sa ibang partido?
- Mga Menor de Edad
- Seguridad ng Data
- Profiling at naka-automate na pagpapasya
- Marketing at Pag-advertise
- Pagsusuri ng Email
- Ano ang aking mga karapatan?
- Proseso ng pagrereklamo tungkol sa privacy
- Abiso sa mga residente ng California
- Abiso sa mga residente ng Europe (EEA)
- Paunawa para sa mga residente ng Argentina
- Abiso sa mga residente ng Mexico
- Paunawa para sa mga residente ng Chile
- Abiso sa mga residente ng Malaysia
- Abiso sa mga residente ng New Zealand
- Abiso sa mga residente ng Australia
- Abiso sa mga residente ng India
- Ang aming kumpanya ayon sa serbisyo
Sino kami? | Anong uri ng data ang kinokolekta? |
---|---|
Kami ang Ria, na bahagi ng grupo ng mga kumpanya ng Euronet Makikita mo ang lahat ng aming detalye sa pakikipag-ugnayan dito |
Kinokolekta lang namin ang data na kailangan namin ayon sa batas at lokal na regulasyon. Kabilang dito ang:
|
Bakit kami nangongolekta ng data? | Gaano katagal nangongolekta ng data ang RIA? |
---|---|
Nangongolekta kami ng Personal na Data para sa mga partikular na layuning alinsunod sa kontrata at batas. Kapag may pahintulot mo, kokolektahin din namin ang data na nagsisilbing pampaganda ng karanasan ng user sa aming mga platform. |
Papanatilihin namin ang Personal na Data hangga't kailangan, ayon sa iniaatas ng batas at/o lokal na regulasyon. Paminsan-minsan, ayon sa mga inaatas ng batas ay maaaring maging mas matagal na panahon ang pagpapanatili, ngunit tatanggalin ito sa oras na matugunan na ang mga kinakailangan. |
Kanino namin ibinabahagi ang data ng customer? | Saan pinapanatili ng RIA ang iyong Personal na Data? |
---|---|
Ibinabahagi namin ang Personal na Data ng customer sa iba pang kumpanya ng Euronet Group, legal na awtoridad, at mga kasosyo upang matugunan ang aming mga obligasyon sa batas at kontrata. |
Iniimbak namin ang Personal na Data ng customer sa mga ligtas na lokasyon na may mahihigpit na panseguridad na hakbang. Kung kailangan naming maglipat ng data ng customer sa ibang bansa, gagawin namin ang lahat ng kinakailangang hakbang para makasunod sa mga obligasyon ayon sa batas at matiyak ang wastong antas ng seguridad. |
Ano ang iyong mga karapatan?
Ikaw ang may-ari ng iyong Personal na Data at may legal na karapatan na kontrolin ito. Maaari mong hilinging gamitin ang alinman sa iyong mga karapatan anumang oras sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa dpo@euronetworldwide.com. Maaaring may mga karagdagang karapatan depende sa iyong bansa. Mag-click dito para sa karagdagang impormasyon.
- Access sa at elektronikong kopya ng iyong data
- Pagwawasto ng iyong data
- Pagtanggal ng iyong data (kapag pinahihintulutan ng batas)
- Paghihigpit sa mga layunin ng pagpoproseso.
1. Anong Personal na Data ang kinokolekta namin, paano namin ito kinokolekta, at bakit?
Data ng pagkakakilanlan
Maaaring kabilang dito ang pangalan, titulo, address ng tirahan at/o negosyo, email, numero ng telepono at/o fax at iba pang data sa pakikipag-ugnayan, petsa ng kapanganakan, kasarian, mga larawan, lagda, mga detalye ng pasaporte/visa, voice recording at mga opisyal na kredensyal. Gagamitin lang namin ang mahigpit na kinakailangang data ng pagkakakilanlan para sa mga layuning inilarawan.
Ang dahilan ng pagproseso ng iyong Personal na Data | Legal na batayan para sa paggamit ng iyong personal na data |
---|---|
Paghahatid ng Mga Serbisyo. | Obligasyon ayon sa kontrata |
Mga layuning nauugnay sa newsletter at marketing. | Pahintulot |
Pananaliksik sa merkado at feedback ng consumer: Anumang impormasyong ibinabahagi sa Amin ng aming mga customer tungkol sa kanilang karanasan sa paggamit ng aming mga produkto at serbisyo. | Pahintulot Lehitimong interes |
Customer service: Susubaybayan at itatala namin (sa pamamagitan ng automated na paraan o mga transcript) ang mga tawag sa telepono, email, at pakikipag-usap sa chat sa aming mga customer. Gagamitin namin ang mga transcript ng mga tawag na ito upang kumpirmahin ang mga tagubilin na ibibigay mo sa amin. | Obligasyon sa kontrata Lehitimong interes |
Pamamahala sa mga account ng aming mga customer (pag-register at pangangasiwa) | Obligasyon bago ang pangongontrata/ayon sa kontrata |
Paghiling ng access sa mga tool at impormasyon: Maaaring humiling ang aming mga customer ng access sa ilang partikular na tool at impormasyon na available sa App, bago o pagkatapos magpasyang gusto nilang magparehistro para gamitin ang aming mga serbisyo, kabilang ang aming serbisyo sa foreign exchange at pagbabayad. | Obligasyon bago ang pangongontrata/ayon sa kontrata |
Profiling: Ginagamit namin ang lahat ng data ng aming customer upang masukat at suriin ang mga personal na gawi batay lang sa automated na pagproseso upang makapagbigay sa mga customer ng mas personalized na serbisyo. | Pahintulot |
Mga Larawan o Video na maaaring naitala ng aming mga customer at ibinahagi nila sa amin. | Pahintulot |
Pakikilahok sa mga event at giveaway: Maaaring gusto ng aming mga customer na makilahok sa mga event na pinapangasiwaan namin o sa partikular na giveaway. | Pahintulot Obligasyon sa kontrata |
Komunikasyon kabilang ang mga e-mail, fax, at anumang uri ng elektronikong komunikasyon, kasama ang anumang talaan ng kanilang account. Pananatilihin din namin ang mga liham sa customer service at iba pang komunikasyon sa pagitan namin, at ng anumang kumpanya ng Euronet Group, kabilang ang aming mga partner at supplier | Lehitimong interes Obligasyon sa kontrata |
Pagsiguro sa credit worthiness. Gagamitin namin ang iyong data ng pagkakakilanlan at data ng pinansyal na ibinigay mo sa amin upang magsagawa ng pagsiguro sa credit worthiness upang maibigay sa iyo ang aming mga serbisyo/produkto ayon sa iyong pinansyal na kapasidad. | Lehitimong interes |
Mga detalye ng pananalapi
Kokolektahin namin ang personal na pinansyal na data mo kapag nag-register ka bilang customer. Kokolektahin namin ang pinansyal na data tulad ng mga bank account, financial statement, dahilan ng pag-transfer, trabaho, o iba pang dokumentasyon upang ipakita ang pinagmumulan ng pondo na gusto mong ilipat (katulad ito ng mga salary slip), upang maibigay sa iyo ang aming mga serbisyo.
Ang dahilan ng pagproseso ng iyong Personal na Data | Legal na batayan para sa paggamit ng iyong personal na data |
---|---|
Paghahatid ng Mga Serbisyo. | Obligasyon ayon sa kontrata |
Anti-Money laundering | Obligasyon ayon sa batas |
Anti-Terrorist Financing at Gawaing krimen | Obligasyon ayon sa batas |
Pamamahala sa iyong account | Obligasyon ayon sa kontrata |
Legal na profiling para sa mga ulat ng credit | Lehitimong interes |
Impormasyon sa gawi at teknikal na impormasyon
IP address ng mga bisita, impormasyon ng kagawian (upang maunawaan ang kagawian mo habang ginagamit ang aming mga produkto at serbisyo), uri at bersyon ng browser, setting ng time zone, mga setting ng resolution ng screen, mga uri at bersyon ng plug-in ng browser, operating system, at platform.
Bisitahin ang aming patakaran sa cookie dito.
Ang dahilan ng pagproseso ng iyong Personal na Data | Legal na batayan para sa paggamit ng iyong personal na data |
---|---|
Para masukat ang paggamit sa aming website at mga serbisyo, kabilang ang bilang ng pagbisita, average na oras na ginugugol sa isang website, app, mga tiningnang page, data ng pakikipag-ugnayan sa page (gaya ng pag-scroll, mga pag-click, at pag-hover ng mouse), atbp., at para mapahusay ang content na inaalok namin sa aming mga customer | Lehitimong interes |
Para mapangasiwaan ang website at para sa mga internal na operasyon, kabilang ang pag-troubleshoot, pagsuri sa data, pagsubok, pananaliksik, at mga layuning nauugnay sa istatistika at survey | Pahintulot Lehitimong interes |
Bilang bahagi ng aming mga pagsisikap na mapanatiling ligtas at secure ang website. | Pahintulot Lehitimong interes |
Para sukatin ang epekto ng aming mga email. | Pahintulot |
Anonymous Profiling: Maaaring pagsama-samahin namin ang nakolektang data para mapaganda ang karanasan ng customer upang mas mahusay nilang magamit ang aming mga serbisyo. | Lehitimong interes |
Lokasyon.
Maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong lokasyon kapag ginagamit mo ang aming mga serbisyo.
Ang dahilan ng pagproseso ng iyong Personal na Data | Legal na batayan para sa paggamit ng iyong personal na data |
---|---|
Para mabigyan ang aming mga customer ng nakaangkop na karanasan sa App kaugnay ng kanilang lokasyon, gaya ng pagpapakita ng lokal na currency sa nauugnay na lokasyon. | Pahintulot Legal na obligasyon |
Video surveillance.
Larawan, video, at voice recording.
Ang dahilan ng pagproseso ng iyong Personal na Data | Legal na batayan para sa paggamit ng iyong personal na data |
---|---|
Maaari kaming gumamit ng CCTV para matiyak ang kaligtasan ng customer sa aming mga store o tanggapan. | Pampublikong interes Lehitimong interes |
Data ng biometrics.
Larawan, video record, at scan ng mukha. Sakaling magproseso kami ng anumang karagdagang biometric data, ipapaalam ito sa iyo at hindi namin kailanman ipoproseso ang naturang Personal na Data nang walang nakaraang pahintulot mo.
Ang dahilan ng pagproseso ng iyong Personal na Data | Legal na batayan para sa paggamit ng iyong personal na data |
---|---|
Para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan sa proseso ng pag-register sa aming App at website, o anumang oras sa tuwing ginagamit ang aming mga serbisyo. | Pahintulot |
Data ng transaksyon.
Kinokolekta namin ang personal na data tulad ng mga detalye ng benepisyaryo, impormasyon ng bank account, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, ang destinasyon kung saan ka nagpapadala ng pera at mga kagustuhan sa bangko. Depende sa lokal na regulasyon, kinokolekta namin ang mga detalye tulad ng trabaho, relasyon sa benepisyaryo, dahilan ng pag-transfer at karagdagang dokumentasyon upang patunayan ang pinagmulan ng mga pondo.
Ang dahilan ng pagproseso ng iyong Personal na Data | Legal na batayan para sa paggamit ng iyong personal na data |
---|---|
Para magsagawa ng transaksyon | Obligasyon ayon sa kontrata |
Para magbigay ng impormasyon para sa pagsunod kapag nagsasagawa ng transaksyon | Obligasyon ayon sa batas |
Sensitibong personal na data.
Maaari naming kolektahin at iproseso ang sensitibong personal na data (o iba pang "mga espesyal na kategorya ng personal na data"), tulad ng data tungkol sa iyong pisikal o mental na kalusugan o kondisyon, upang matugunan ang mga angkop na obligasyon sa batas o regulasyon.
Ang dahilan ng pagproseso ng iyong Personal na Data | Legal na batayan para sa paggamit ng iyong personal na data |
---|---|
Upang matupad ang mga obligasyon sa batas at pagsunod | Obligasyon sa batas Para sa pampublikong interes upang mapangalagaan ang iyong pampinansyal na interes |
Data na hindi nagbibigay ng pagkakakilanlan.
Hangga't maaari, gagamitin namin ang data kung saan hindi ka maaaring direktang makilala (tulad ng anonymous na data ng demographics at data ng paggamit) sa halip na Personal na Data. Maaaring gamitin ang hindi makikilalang data na ito upang mapabuti ang aming mga panloob na proseso o paghahatid ng mga serbisyo, nang walang karagdagang pag-abiso sa iyo.
Maaari kaming gumamit ng pinagsama-samang data para sa iba't ibang layunin, kabilang ang, pero hindi limitado sa, pag-evaluate at pagpapahusay ng mga serbisyo at pagsuri sa trapiko sa aming mga serbisyo.
2. Katumpakan ng iyong Personal na Data
Nangangako kaming pananatilihing tumpak at updated ang iyong Personal na Data. Kaugnay nito, gumagawa kami ng mga makatwirang hakbang upang matiyak ang katumpakan ng iyong Personal na Data, sa pamamagitan ng pagtiyak na ang pinakabagong Personal na Data na natanggap namin ay tumpak na naitala at kapag maituturing na kinakailangan, magsasagawa ng pana-panahong pagsusuri upang mapanatiling updated ang lahat ng iyong Personal na Data.
Kung mapansin mong hindi tumpak ang iyong Personal na Data, maaari mong gamitin ang iyong karapatan sa pagwawasto sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa dpo@euronetworldwide.com.
3. e-KYC
Upang magamit ang aming Mga Serbisyo, kailangan mong mag-register. Ang paraan na ginamit para sa pag-register ay isang e-KYC (electronic Know You Customer).
Gaya ng ipinahayag sa seksyon 1, maaari kaming gumamit ng biometric data (kapag legal na pinahihintulutan) upang kilalanin ka at patunayan ang anumang dokumentasyong maaaring na-upload mo sa aming system upang magawa ang iyong account. Ginagamit din namin ang system na ito para makasunod sa lahat ng aming obligasyon sa batas.
Kung gusto mong mag-register ngunit ayaw mong gamitin ang e-KYC solution, maaari mong kaugnayin ang aming customer care upang masuportahan nila ang iyong onboarding.
4. Lehitimong interes
Kapag ginamit namin ang Personal na Data ng customer para tuparin ang aming mga lehitimong interes, gagawin namin ang lahat ng pagsusumikap na itugma ang aming mga interes sa iyo upang magamit lang ang iyong Personal na Data ayon sa pinahihintulutan ng nauugnay na batas, o kapag hindi ito makakaapekto sa iyong mga karapatan. Kapag hiniling, ang mga customer ay maaaring humiling ng impormasyon tungkol sa anumang pagproseso batay sa lehitimong interes
5. Gaano katagal pananatilihin ng RIA ang Personal na Data?
Ginagamit ang personal na data para sa iba't ibang layunin at nasasailalim ito sa iba't ibang panuntunan at regulasyon. Pinapanatili ito hangga't kinakailangan upang maibigay sa mga customer ang mga serbisyo na hinihiling nila at upang makasunod sa mga naaangkop na obligasyon sa batas, accounting, o pag-uulat. Halimbawa:
- Mga Kinakailangan Alinsunod sa Batas at Regulasyon: Ang iyong Personal na Data ay pinananatili hangga't kinakailangan upang makasunod sa lahat ng aming obligasyon sa batas.
- Customer Service (pangangasiwa sa ugnayan sa customer, pangangasiwa sa reklamo, atbp.): Pananatilihin namin ang iyong Personal na Data hangga't nananatili kang customer namin.
- Marketing: ipoproseso namin ang Personal na Data mo para sa mga layuning pang-marketing hangga't hindi mo hihilingin sa aming mag-opt out, ayon sa seksyon 8 ng paunawa sa privacy na ito.
- Obligasyon sa kontrata: Pananatilihin namin ang Personal Data para sa kabuuan ng kontraktwal na kasunduan. Maaaring makipag-ugnayan ang mga customer sa Data Protection Officer ng Euronet Group para humingi ng kopya ng aming Patakaran sa Pagpapanatili, na maaaring naiiba ayon sa naaangkop na batas, at partikular na pangangailangan sa negosyo depende sa bansa.
6. Ibinabahagi ba ng RIA ang aking Personal na Data sa ibang partido?
Euronet Group
Maaaring ibahagi namin ang Personal na Data ng customer sa Euronet at mga affiliate ng Euronet Group para makasunod sa mga obligasyon ng grupo. Maaaring ilipat namin sa third party ang Personal na Data ng customer bilang resulta ng pagbebenta, acquisition, merger, o pagbabago ng organisasyon kaugnay ng Euronet, isang kumpanya sa Euronet Group, o ng anuman sa kanilang mga kaukulang asset. Kapag ginawa ito, magsasagawa kami ng mga makatwirang hakbang para tiyaking sapat na mapoprotektahan ang kanilang impormasyon sa mga sitwasyong ito. |
Legal na obligasyon Kontraktwal na obligasyon |
Mga third party na tagapaglaan ng serbisyo
Mga provider ng serbisyo ng third party upang pamahalaan, paganahin o pangasiwaan ang ilang aspeto ng mga serbisyo | Obligasyon ayon sa batas |
Mga provider ng serbisyo sa pag-verify (e-KYC) ng pagsunod at pagpigil sa panloloko | |
Mga provider ng komunikasyon, imprastraktura, at pagtupad, kabilang ang mga serbisyo at system para mabigyang-daan ang pagpoproseso ng transaksyon | Obligasyon ayon sa kontrata |
Upang mapanatili ang kinakailangang antas ng pagganap sa aming mga serbisyo (pagpapanatili, seguridad, at suporta) | |
Para sa Pagsusuri ng data para sa marketing, pagpapahusay ng operasyon, at pagpapahusay ng aming system ng pagsunod at system laban sa panloloko | Lehitimong interes Legal na obligasyon |
Upang itaguyod ang aming mga serbisyo sa mga kampanyang pang-marketing | Pahintulot |
Para i-personalize ang inilagay na advertisement sa mga digital na serbisyo at iangkop sa mga kagustuhan ng consumer |
Mga Awtoridad ng Batas at Regulasyon
Kailangan naming isiwalat ang iyong personal na data sa mga awtoridad. Isinisiwalat din namin ang Personal na Data sa mga awtoridad kapag kinakailangan ang pagsisiwalat upang malaman ang pagkakakilanlan, makaugnayan, o makasuhan ang isang taong maaaring magdulot ng pinsala o makasagabal sa mga karapatan o ari-arian ng RIA, serbisyo, o sa iyo. | Obligasyon ayon sa batas |
Mga Strategic Partner
Ibabahagi namin ang iyong Personal na Data kapag iniaatas ng batas sa mga strategic partner upang maibigay namin sa iyo ang aming Serbisyo. | Lehitimong interes |
Mga Propesyonal na Kasosyo
Ibabahagi namin ang iyong Personal na Data sa mga tagapayo, abogado, consultant, auditor, mga serbisyo sa marketing o accountant upang sumunod sa aming mga obligasyon sa batas at upang ibigay ang aming Serbisyo ayon sa iyong mga inaasahan at sa aming mga kontraktwal na obligasyon at pinakamahusay na kasanayan. | Lehitimong interes |
7. Mga Menor de Edad
Hindi kami magbibigay ng mga serbisyo nang direkta sa mga batang wala pang 18 taong gulang o kokolektahin nang walang pahintulot ang kanilang personal na impormasyon. Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, mangyaring huwag gamitin ang Mga Site o Mga Alok o ibahagi ang personal na data sa amin. Kung alam mo na ang sinumang wala pang 18 taong gulang ay labag sa batas na nagbigay sa amin ng personal na data, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa dpo@euronetworldwide.com.
8. Seguridad ng Data
Nakatuon kami sa pagprotekta sa Personal na Data ng customer at nagsagawa kami ng mga makatwirang pangkomersyal at naaangkop na pag-iingat upang maiwasan ang anumang pagkawala, pang-aabuso, at pagbabago ng impormasyong ipinagkatiwala mo sa amin. Sa RIA, palagi kaming magsisikap na matiyak na ang iyong Personal na Data ay mahusay na napoprotektahan, alinsunod sa mga internasyonal na pinakamahusay na kasanayan. Pinapanatili namin ang pagtutuon na ito sa seguridad ng data sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga naaangkop na pisikal at elektronikong hakbang at hakbang sa pamamahala para mapag-ingatan at maprotektahan ang iyong personal na impormasyon.
Upang maprotektahan ang aming mga system mula sa ilegal na pag-access, gumagamit kami ng mga ligtas at sopistikadong pisikal at pang-organisasyong panseguridad na hakbang na patuloy na pinapahusay upang matiyak ang pinakamataas na antas ng seguridad alinsunod sa mga internasyonal na pinakamahusay na kasanayan at kasulitan ng paggastos ayon sa ipinoprosesong personal na data. Pinapanatili ang lahat ng Personal na Data sa isang ligtas na lokasyong pinoprotektahan ng mga firewall at iba pang mahusay na mekanismong panseguridad, at limitado ang access ng administrator dito.
Ang mga tauhan na may access sa iyong data pati na rin kung paano ito pinoproseso ay may obligasyon sa kontrata na panatilihing pribado ang iyong data at sundin ang patakaran sa privacy na ipinatupad namin sa aming organisasyon.
Habang nilalayon naming makamit ang pinakamataas na pamantayan ng pagprotekta sa data sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga hakbang na pamantayan sa industriya upang protektahan ang iyong privacy, walang sistema ng seguridad ang ganap na perpekto o hindi mapanghihimasukan. Dahil dito, hindi namin magagarantiya (at hindi ginagarantiya) na ganap na ligtas ang Personal na Data.
9. Profiling at automated na pagpapasya
Sa pamamagitan ng hayagang awtorisadong pag-apruba, binibigyan ka namin ng iniangkop na impormasyon at payo tungkol sa aming mga produkto at serbisyo. Nagsasagawa kami ng pagsusuri sa data gamit ang mga third party, upang i-target ang mga naaangkop na komunikasyon at advertisement sa iyo, kabilang ang mga imbitasyon sa mga eksklusibong kaganapan ng kliyente na sa palagay namin ay kaiinteresan mo pati na rin ang pagrerekomenda ng mga produkto at serbisyo na sa palagay namin ay angkop para sa iyo.
Sa ilang sitwasyon, maaaring gumamit kami ng automated na pagpapasya at profiling, kung pinapahintulutan ito ng batas, at kung kinakailangan para matupad ang isang kontrata. Isang halimbawa ang automated na pagpapahintulot para sa mga serbisyo ng pagpapadala ng pera. Lehitimong interes ang legal na batayan para magpatuloy sa profiling at automated na pagpapasya.
Gumagawa rin kami ng mga automated na desisyon sa mga prosesong tulad ng pag-monitor sa transaksyon upang kontrahin ang pandaraya alinsunod sa mga legal na kinakailangan na may kaugnayan sa pag-iwas sa money laundering terorist financing at mga pinansiyal na serbisyo. May karapatan kang humiling na huwag sumailalim sa isang ganap na automated na paggawa ng desisyon, kabilang ang profiling, kung ang naturang desisyon ay may mga legal na epekto o katulad na epekto sa iyo. Ang karapatang ito ay hindi nalalapat kung kinakailangan ang paggawa ng desisyon upang pumasok o magsagawa ng kasunduan sa iyo kung ang paggawa ng desisyon ay pinahihintulutan sa ilalim ng naaangkop na mga batas sa pagprotekta ng data o natanggap namin ang iyong tahasang pahintulot.
10. Marketing at Advertising
Nagbibigay ang mga third party na advertiser ng mga advertisement na ipinapakita sa aming website, sa aming App, o sa iba pang lugar sa mga serbisyo namin. Ang mga third party na advertiser ay walang access sa anuman sa impormasyong ibinigay sa amin ng aming mga customer nang direkta. Kadalasan, umaasa ang mga advertiser sa cookies o ilang iba pang mekanismo na nakabatay sa web/app upang masuri kung aling mga advertisement ang maaaring maging kawili-wili sa iyo. Hindi namin ilalagay ang “Targeting Cookies” o ie-enable ang “Pag-target” at “Lokasyon” sa iyong system nang walang pahintulot mo.
Kung nagbigay ka ng pahintulot sa pamamagitan ng pagtanggap sa Targeting Cookies sa Website o pag-enable ng Pag-target sa App, maaaring gumamit kami ng mga third party para gawin ito (mga feature ng remarketing at Similar Audience). Puwede mong baguhin ang iyong mga setting ng cookies dito.
Ang mga third party ay hindi napapailalim sa aming Paunawa sa Privacy. Para maunawaan ang patakaran sa privacy ng mga paunawa nila, dapat mong puntahan ang website nila. Makikita mo ang lahat ng third party na maaaring gumamit ng Cookies para sa pag-target sa aming Patakaran sa Cookie.
Maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo paminsan-minsan (sa pamamagitan ng email, SMS text, sulat, o telepono kung kinakailangan at ayon sa iyong partikular na mga tagubilin) at kapag kinakailangan, kapag binigyan mo kami ng iyong pahintulot na magbigay ng targeted marketing tungkol sa aming mga serbisyo. Maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa dpo@euronetworldwide.com o pagsunod sa mga tagubilin sa marketing email na ipinadala namin sa iyo.
11. Pagsusuri ng Email
Maaaring gumamit kami ng mga pixel sa aming mga email sa marketing para malaman namin kung, at kung gaano karaming beses, nabuksan ang aming mga email, at para i-verify ang anumang pag-click sa mga link o advertisement sa loob ng email. Maaaring kabilang sa mga pakinabang ng impormasyong ito ang:
- Pag-alam kung alin sa mga email namin ang naging mas interesante para sa mga user.
- Pagtukoy sa aktibidad at pakikipag-ugnayan ng mga user sa aming mga produkto at serbisyo.
- Pagbibigay-alam sa aming mga advertiser (sa paraang pinagsama-sama ang data) kung gaano karaming user ang nag-click sa mga advertisement.
- Kung nasa aling rehiyon ang aming audience.
12. Ano ang aking mga karapatan?
Maaaring hilingin ng mga customer na i-access, i-update, baguhin o burahin ang kanilang Personal na Data. Depende sa iyong bansa, maaaring may iba't iba kang karapatan. Gayunpaman, anuman ang iyong bansa, maaari mong gawin anumang oras ang mga sumusunod:
- Humiling ng access sa anumang Personal na Data (“Kahilingan sa Pag-access ng Subject”). Habang isinasakatuparan ang iyong karapatang mag-access, puwede kang magtanong sa amin tungkol sa lahat ng Personal na Data tungkol sa iyo na mayroon kami, mga aktibidad sa pagpoproseso na isinasagawa namin sa iyong Personal na Data, mga tumatanggap ng iyong Personal na Data, iba't ibang kategorya ng Personal na Data, kung gaano katagal naming pinoproseso ang iyong Personal na Data, at pagkakaroon ng anumang automated na pagpapasya kaugnay ng iyong Personal na Data.
- Humiling ng pagwawasto ng anumang hindi tumpak na Personal na Data tungkol sa iyo na maaaring mayroon kami. Kung pinalitan mo ang iyong email address o nakita mong may maling pagbabaybay sa anuman sa iyong Personal na Data, puwede mong isakatuparan ang iyong karapatang baguhin ito.
- Hilinging i-delete ang anumang Personal na Data tungkol sa iyo na mayroon kami. Kung ayaw mo nang makatanggap ng anumang balita mula sa amin at ayaw mo na ring gamitin ang anuman sa aming mga serbisyo, puwede mong hilingin sa amin na i-delete ang anumang Personal na Data tungkol sa iyo na mayroon kami. Pakitandaang maaaring magpanatili kami ng Personal na Data mo para matupad ang anuman sa aming mga obligasyon ayon sa batas. Gayunpaman, hindi na gagamitin para sa anumang layunin ang iyong Personal na Data.
May karapatan din ang mga customer na maghain ng reklamo sa naaangkop na Awtoridad sa Proteksyon ng Data kung sa tingin mo ay hindi namin natupad ang aming mga tungkulin sa ilalim ng Paunawa sa Privacy na ito o ng naaangkop na batas. Hinihikayat namin ang mga customer na abisuhan kami tungkol sa anumang reklamong maaaring mayroon sila, kahit na hindi ito kinakailangan, at tutugon kami alinsunod sa aming Proseso ng Pagrereklamo.
Tutugon kami sa iyong kahilingan sa lalong madaling panahon at palaging sa loob ng yugto ng panahon na itinatakda ng naaangkop na batas.
Para sa anumang naaangkop na karapatan, at para tukuyin ang eksaktong tagal ng panahon kung kailan dapat kami makatugon sa iyong kahilingan, pakitingnan ang seksyon para sa mga partikular na residente sa ibaba.
Para isakatuparan ang anuman sa iyong mga karapatan, dapat kang magpadala ng email sa dpo@euronetworldwide.com Para maprotektahan ang iyong privacy at mapanatili ang seguridad, magsasagawa kami ng mga hakbang para i-verify ang iyong pagkakakilanlan at/o maaaring hilingin namin sa iyo na magbigay ng iba pang detalye bago ka payagang mag-access o magbago ng anumang Personal na Data. Kapag kinakailangan, kung wala kaming kopya ng iyong ID o anumang legal na valid na dokumento na nagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan, hindi namin matutugunan ang iyong kahilingan.
13. Proseso ng pagrereklamo tungkol sa privacy
May karapatan ang mga customer na maghain ng reklamo sa Awtoridad sa pagprotekta ng data o mga hukuman kung sa tingin nila ay hindi namin natupad ang aming mga obligasyon sa ilalim ng Paunawa sa Privacy na ito o ng naaangkop na batas:
- Europe (EEA): Mga Miyembro | European Data Protection Board (europa.eu)
- UK: Information Commissioner Officer (ICO)
- Switzerland: Federal Data Protection and Information Commissioner (FDPIC)
- India: Department of Electronics and Information Technology
- Singapore: Personal Data Protection Commission
- Philippines: National Privacy Commission
- Malaysia: Department of Personal Data Protection
- New Zealand: Office of the Privacy Commissioner
- Australia: Office of the Australian Information Commissioner
- California: Privacy Unit ng Department of Justice
- USA: FTC
- Canada: Office of the Privacy Commissioner of Canada
- México: Instituto Nacional de Transparencia, Acceso a la Información y Protección de Datos Personales
- Chile: Consejo para la Transparencia
Inilalaan ng RIA ang karapatang baguhin ang Paunawa sa Privacy na ito anumang oras at maglalagay ito ng paunawa ng naturang mga pagbabago sa website ng RIA o sa pamamagitan ng anumang iba pang paraang matutukoy na angkop ng RIA.
14. Paunawa sa mga residente ng California
Ang karagdagang pagsisiwalat na ito ay nilalayong matugunan ang mga inaatas ng California Consumer Privacy Act ("CCPA") at ito ay babasahin kasama ng Paunawa sa Privacy.
Ang mga customer na nakatira sa California ay may karapatan na:
- humiling at tumanggap ng pagsisiwalat ng aming mga kasanayan sa pagkolekta ng personal na impormasyon sa loob ng nakaraang 12 buwan, kabilang ang mga kategorya ng personal na impormasyong kinokolekta namin, ang mga kategorya ng mga pinagkukunan ng naturang impormasyon, ang aming layunin sa negosyo para sa pagkolekta o pagbabahagi ng naturang impormasyon, at ang mga kategorya ng mga third party kung kanino namin ibabahagi ang naturang impormasyon.
- humiling at makatanggap ng kopya ng personal na impormasyon na aming nakolekta tungkol sa kanila sa unang 12 buwan.
- humiling at tumanggap ng pagsisiwalat ng aming impormasyon sa pagbabahagi ng mga kagawian sa unang 12 buwan, kabilang ang listahan ng mga kategorya ng personal na impormasyon na ibinebenta sa kategorya ng mga third party na tatanggap at listahan ng mga kategorya ng personal na impormasyon na isiniwalat namin para sa layuning pang-negosyo.
- hilingin na hindi namin ibenta ang personal na impormasyon tungkol sa kanila (hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon) at;
- hilinging tanggalin namin (at utusan namin ang aming mga provider ng serbisyo na tanggalin) ang kanilang personal na impormasyon na napapailalim sa ilang mga pagbubukod.
Para sa mga layunin ng CCPA, ang personal na impormasyon ay tumutukoy sa impormasyon na nagpapakilala, may kaugnayan sa, naglalarawan, ay may kakayahang maiugnay sa, o maaaring makatwirang maiugnay, direkta man o hindi direkta, sa isang partikular na residente o sambahayan ng California.
Upang makagawa ng kahilingan para sa pagsisiwalat, maaaring makipag-ugnayan sa amin ang mga residente ng California sa pamamagitan ng:
- Walang bayad na pagtawag: 1-877-932-6640
- Pag-email: dpo@euronetworldwide.com
Maaari naming hilingin na magsumite ka ng isang nilagdaang pahayag sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling na ikaw ang indibidwal. Kinikilala namin ang pagtanggap ng iyong kahilingan sa loob ng sampung (10) araw at susubukan naming tumugon sa loob ng apatnapu't limang (45) araw mula sa pagtanggap ng iyong kahilingan, ngunit kung kailangan namin ng mas maraming oras (hanggang sa dagdag na apatnapu't limang araw) aabisuhan ka namin tungkol sa aming pangangailangan para sa karagdagang oras. Hindi kami maaaring tumugon sa iyong kahilingan o magbigay sa iyo ng personal na impormasyon kung hindi namin ma-verify ang iyong pagkakakilanlan at kumpirmahin na ang personal na impormasyon ay may kaugnayan sa iyo.
Maaari kang gumawa ng kahilingan para sa pagsisiwalat ng aming mga kasanayan sa pagkolekta ng impormasyon, ang impormasyong aming nakolekta tungkol sa iyo, o ang aming mga kasanayan sa pagbabahagi ng hanggang dalawang beses sa loob ng 12 buwang panahon.
Para sa mga kahilingan para sa isang kopya ng personal na impormasyon na aming nakolekta sa loob ng 12 buwan bago ang iyong kahilingan, sisikapin naming ibigay ang impormasyon sa isang format na madaling gamitin, pati na rin sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyo ng isang papel na kopya o pagbibigay ng isang electronic copy sa iyong naka-register na account, kung may naka-register kang account sa amin. Para sa mga kahilingan para sa pagtanggal ng iyong impormasyon, pinapayagan kami ng batas ng California na panatilihin ang ilang partikular na impormasyon at hindi ito tanggalin sa ilalim ng ilang sitwasyon (iyon ay ang impormasyon na may kaugnayan sa isang transaksyon, mga insidente ng seguridad, pandaraya atbp.). Sa pamamagitan ng halimbawa, hindi namin kailangang sundin ang kahilingan na tanggalin ang impormasyon kung kailangan naming kumpletuhin ang transaksyon para sa iyo o kung hindi man ay isagawa ang isang kontrata; upang matukoy, maprotektahan laban sa, o makontrol ang mga insidente ng seguridad, panloloko o ilegal na aktibidad; gamitin ang impormasyon sa mga paraang naaayon lang sa iyong mga inaasahan bilang aming customer (tulad ng pagpapanatili ng mga rekord ng benta), at sumunod sa mga obligasyon sa batas. Kung makakatanggap kami ng gayong kahilingan mula sa iyo, aabisuhan din namin ang anumang provider ng serbisyo na nakaugnayan namin na tanggalin ang iyong impormasyon.
Hindi kami mandidiskrimina bilang resulta ng iyong paggamit ng alinman sa mga karapatang ito.
Hindi namin ibebenta ang iyong impormasyon para sa pinansyal na konsiderasyon, at hindi namin isisiwalat ang iyong impormasyon para sa iba pang mahalagang konsiderasyon. Kung, sa hinaharap, pumasok kami sa mga sitwasyong angkop sa kahulugan ng isang “pagbebenta” sa ilalim ng CCPA, ia-update namin ang patakaran sa privacy na ito at ang aming pagsunod sa CCPA.
Maaari kang magsumite ng kahilingan sa pamamagitan ng isang tao na may hawak na isang pormal na Power of Attorney. Kung hindi man, maaari ka lang magsumite ng kahilingan gamit ang awtorisadong ahente kung (1) bibigyan mo ang awtorisadong ahente ng nakasulat na pahintulot na gumawa ng kahilingan at (2) ive-verify mo ang iyong sariling pagkakakilanlan nang direkta sa amin. Aatasan namin ang ahente na magsumite ng patunay sa amin na sila ay pinahintulutan na gumawa ng mga kahilingan para sa iyo.
Sa nakalipas na 12 buwan, nakolekta namin ang mga sumusunod na kategorya ng impormasyon mula sa mga nakalistang pinagkukunan, ginamit ito para sa nakalistang mga layunin ng negosyo at ibinahagi ito sa mga nakalistang kategorya ng mga third party. Kabilang sa mga kategorya ng impormasyon ang impormasyon na kinokolekta namin mula sa aming mga bisita sa website, mga rehistradong user, empleyado, vendor, supplier at sinupamang nakikipag-ugnayan sa amin online man o offline. Hindi lahat ng impormasyong nakolekta ay tungkol sa lahat ng indibidwal. Halimbawa, maaari kaming mangolekta ng iba't ibang impormasyon mula sa mga aplikante para sa trabaho o mula sa mga vendor o mula sa mga customer.
Kategorya ng impormasyong nakolekta | Pinagkunan | Layunin ng paggamit para sa negosyo | Mga kategorya ng mga third party na tumatanggap ng impormasyon |
---|---|---|---|
Mga pantukoy (pangalan, alyas, postal address, email address, numero ng telepono, numero ng fax, pangalan ng account, numero ng Social Security, numero ng lisensya sa pagmamaneho, numero ng pasaporte, natatanging personal na identifier, IP address) |
|
|
|
Sensitibong Impormasyon (pangalan na may pinansyal na account, impormasyong may kaugnayan sa medikal, kalusugan, at insurance sa kalusugan, username at password) |
|
|
|
Pangkomersyal na impormasyon (history ng transaksyon, mga produkto/serbisyo na binili, nakuha o isinaalang-alang, kagustuhan sa produkto) |
|
|
|
Elektronikong aktibidad sa network (history ng pag-browse o paghahanap, mga pakikipag-ugnayan sa website) |
|
|
|
Audio, video o katulad na impormasyon (mga pagtawag sa customer service, pag-monitor para sa seguridad) |
|
|
|
Heograpikong lokasyon |
|
|
|
Impormasyon tungkol sa propesyon, pinag-aralan o pinagtrabahuhan |
|
|
|
Biometrics |
|
|
|
Protektadong impormasyon ng klasipikasyon (lahi, kasarian, etnisidad, relihiyon) |
|
|
|
*Sa mas partikular, ang mga layunin ng negosyo ay kinabibilangan ng:
- Pagsasagawa ng mga serbisyo para sa iyo:
- Upang mapangasiwaan o kung hindi man ay maisakatuparan ang aming mga obligasyon na may kaugnayan sa anumang kasunduan na kung saan kami ay isang partido;
- Upang tulungan ka sa pagkumpleto ng isang transaksyon o order;
- Upang payagan ang pag-track sa mga ipinapadala;
- Upang maghanda at magproseso ng mga invoice;
- Upang tumugon sa mga query o kahilingan at upang magbigay ng mga serbisyo at suporta;
- Upang magbigay ng pamamahala sa ugnayan sa customer matapos ang pagbenta;
- Upang gawan ng account at pamahalaan ang mga account ng aming mga customer;
- Upang abisuhan ka tungkol sa mga pagbabago sa aming mga serbisyo at produkto;
- Para mangasiwa ng anumang promosyon, paligsahan, survey, o kumpetisyon;
- Upang mabigyan ka ng impormasyon tungkol sa aming mga produkto at serbisyo,
- Para mag-alok ng aming mga produkto at serbisyo sa iyo sa personalized na paraan, halimbawa, maaari kaming magbigay ng mga suhestyon batay sa iyong mga nakaraang kahilingan upang mabigyang-daan kang matukoy ang mga angkop na produkto at serbisyo nang mas mabilis.
- Pag-audit na may kaugnayan sa mga transaksyon, panloob na pananaliksik at pag-develop:
- Upang magbigay ng panloob na pangangasiwa at pagpapatakbo ng negosyo, kabilang ang pag-troubleshoot, pag-customize ng Site, pagpapahusay o pag-develop, pagsubok, pananaliksik, pangangasiwa at pagpapatakbo ng aming mga Site at analytics ng data;
- Upang gumawa ng mga produkto o serbisyo na maaaring matugunan ang iyong mga pangangailangan;
- Upang sukatin ang pagsasagawa ng mga inisyatiba sa marketing, mga ad, at mga website na “pinapatakbo ng” ibang kumpanya para sa amin.
- Panseguridad na pag-detect, proteksyon at pagpapatupad; pag-debug sa functionality, pag-aayos ng error:
- Bilang bahagi ng aming mga pagsisikap na panatilihing ligtas at secure ang aming mga Site;
- Upang matiyak ang seguridad ng iyong account at ng aming negosyo, pagpigil o pag-detect ng pandaraya, malisyosong aktibidad o pang-aabuso sa aming Mga Site, halimbawa, sa pamamagitan ng paghiling ng impormasyon sa pag-verify upang i-reset ang password ng iyong account (kung naaangkop);
- Upang matiyak ang pisikal na seguridad ng aming mga lugar sa pamamagitan ng pag-monitor sa mga larawang kuha ng surveillance;
- Upang malutas ang mga alitan, upang protektahan ang mga karapatan, kaligtasan at interes namin, ng aming mga user o iba pa, at upang masunod ang aming mga obligasyon sa batas.
- Pagkontrol sa kalidad:
- Upang ma-monitor ang pagkontrol sa kalidad at matiyak ang pagsunod sa aming mga legal na obligasyon, mga code at ordinansa, mga patakaran at proseso,
- Upang buuin at pabutihin ang aming mga produkto at serbisyo, halimbawa, sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga pagbisita sa mga Site at iba't ibang subpage, pangangailangan para sa mga partikular na produkto at serbisyo at mga komento ng user.
Makipag-ugnayan para sa Higit pang Impormasyon — Para sa mga tanong o alalahanin tungkol sa aming Paunawa sa Privacy at mga kagawian, mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakasaad sa seksyong “sino kami” ng Paunawa sa Privacy na ito.
15. Paunawa sa mga residente ng Europe (EEA)
Alinsunod sa General Data Protection Regulation (GDPR), mayroon ang lahat ng residente ng European Economic Area (EEA) ng mga sumusunod na karapatan:
- Ang Karapatan sa Impormasyon
- Ang Karapatan sa Access
- Ang Karapatan sa Pagwawasto
- Ang Karapatan sa Pagbubura
- Ang Karapatan sa Paghihigpit sa Pagpoproseso
- Ang Karapatan sa Portability ng Data
- Ang Karapatang sa Pagtutol
- Ang Karapatan sa Pagpigil sa Naka-automate na Pagpapasya
Para magamit ang alinman sa mga karapatang nakalista sa itaas, dapat mong sundin ang mga obligasyong nakasaad sa seksyon 11 ng Paunawa sa Privacy na ito.
Mula sa araw na matanggap namin ang iyong kahilingan, tutugon kami sa iyo sa loob ng hindi hihigit sa 30 araw, maliban kung humiling ng extension.
16. Paunawa para sa mga residente ng Argentina
Alinsunod sa Law Ley de Protección de Datos Personales 25.326, mayroon kang karapatan sa Pag-access, Pagbago, Pag-update at Pagbura. Upang magamit ang iyong mga Karapatan o ang iyong karapatan na bawiin o gumawa ng anumang pagdududa o reklamo tungkol sa pagproseso ng iyong Personal na Data, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa dpo@euronetworldwide.com nang sinusunod ang mga tagubilin na itinakda sa Seksyon 12.
Sa pamamagitan nito, ipinagbibigay-alam namin sa iyo na may mga opsyong available sa iyo para malimitahan ang paraan ng paggamit o paghahayag namin ng iyong personal na impormasyon para sa partikular na pangangasiwa.
Mula sa araw na matanggap namin ang iyong kahilingan, tutugon kami sa iyo sa loob ng hindi hihigit sa 5 araw (para sa mga kahilingan ng pagtanggal at pag-update ng iyong Personal na Data) o sa loob ng hindi hihigit sa 10 araw (para sa kahilingan na pag-access sa iyong Personal na Data).
17. Paunawa sa mga residente ng Mexico
Ginawang available ng Ria México (nasa ibaba ang pagpapakahulugan), na may tirahan upang marinig at matanggap ang mga paunawa para sa mga layunin ng pagprotekta sa privacy at personal na data na nakasaad sa Seksyon 22, at bilang pagsunod sa Ley Federal de Protección de Datos Personales en Posesión de los Particulares (ang "Batas ng Mexico"), sa mga regulasyon nito, at sa Mga Alituntunin, pata sa mga user o potensyal na user nito sa kanilang kakayahan bilang mga subject ng data, ang kasalukuyang Paunawa sa Privacy, bago ang pagkolekta ng Personal na Data, sa mahigpit na pagsunod sa mga prinsipyo ng legalidad, pahintulot, impormasyon, kalidad, layunin, katapatan, proporsyonalidad at responsibilidad na inaatas ng Batas ng Mexico.
Para sa layunin ng pagbibigay ng mga serbisyo sa kapasidad nito bilang transmitter ng pera sa mga tuntunin ng Artikulo 81-A Bis ng Ley General De Organizaciones y Actividades Auxiliares del Crédito, kokolektahin ng Ria México ang Personal na Data, kung angkop, alinsunod sa mga legal na base na binanggit sa Seksyon 1, at kaugnay ng mga sumusunod na layunin:
- Alamin kung ang Personal na Data na nasa kredensyal ng pagboto na isinumite sa Ria México ay tumutugma sa registry ng Instituto Nacional Electoral.
- Patunayan na ang data ng CURP na ibinigay sa Ria México ay tumutugma sa data na naka-register sa Registro Nacional de Civil.
Bukod pa rito, at kung kinakailangan, upang sumunod sa artikulo 4 at 4 Bis ng Mga Pangkalahatang Probisyon na tinutukoy sa artikulo 95 bis ng Ley General de Organizaciones y Actividades Auxiliares del Crédito na naaangkop sa mga transmitter ng pera na tinutukoy sa artikulo 81-A Bis ng parehong batas (ang "Mga Probisyon"), ang Ria México ay legal na obligadong kumuha ng impormasyon tungkol sa iyong heograpikong lokasyon pati na rin ang mga recording ng iyong boses at larawan ng mukha upang makilala ang mga user nito o mga potensyal na user sa hindi harapang paraan, at upang makakuha ng iba pang may kaugnayang data na ipapaliwanag nang detalyado sa partikular na paraan na available sa aplikasyong inaatas ng Mga Probisyon. Palagi naming ipoproseso ang naturang impormasyon batay sa iyong pahintulot.
Mayroon kang mga karapatan sa Pag-access, Pagbago, Pagkansela at Pagtutol sa Pagpoproseso (ang "Mga Karapatan sa ARCO"); gayundin, mayroon ka ring karapatan na limitahan o bawiin anumang oras ang pahintulot na ibinigay para sa pagproseso ng iyong Personal na Data, sa abot na pinapayagan ng batas. Para magamit ang alinman sa iyong Mga Karapatan sa ARCO, para bawiin ang iyong pahintulot, o magsumite ng anumang tanong o reklamo tungkol sa pagproseso ng iyong Personal na Data, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa: dpo@euronetworldwide.com nang sinusunod ang mga tagubilin sa seksyon 12.
Tutugon kami sa iyo sa loob ng hindi hihigit sa 20 araw mula sa petsa kung kailan namin natanggap ang iyong kahilingan, at magkakabisa ito nang hindi hihigit sa 15 araw ng negosyo matapos naming ipaalam sa iyo ang aming tugon.
18. Paunawa sa mga residente ng Chile
Alinsunod sa Batas, mayroon ka ng mga karapatan sa Pag-access, Pagbago, Pagkansela, at Pagtutol sa Pangangasiwa (ang "Mga Karapatan sa ARCO"); gayundin, mayroon kang karapatang bawiin anumang oras ang pahintulot na ibinigay mo para sa pagpoproseso ng Personal na Data, hangga't pinapahintulutan ito ng Batas. Para magamit ang iyong mga Karapatan sa ARCO o ang iyong karapatan na bawiin o gumawa ng anumang pagdududa o reklamo tungkol sa pagproseso ng iyong Personal na Data, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa dpo@euronetworldwide.com nang sinusunod ang mga tagubilin na nakasaad sa Seksyon 12.
Sa pamamagitan nito, ipinagbibigay-alam namin sa iyo na may mga opsyong available sa iyo para malimitahan ang paraan ng paggamit o paghahayag namin ng iyong personal na impormasyon para sa partikular na pangangasiwa.
Mula sa araw na matanggap namin ang iyong kahilingan, tutugon kami sa iyo sa loob ng hindi hihigit sa 2 araw.
19. Paunawa para sa mga residente ng Malaysia
Alinsunod sa Personal Data Protection Act 2010, maaaring ibigay sa amin ng mga customer ang kanilang Personal na Data para sa alinman sa mga layuning nakasaad sa seksyon 2 ng Paunawa sa Privacy na ito. Kung ipoproseso namin ang iyong Personal na Data para sa anumang karagdagang layunin, pauna naming ipagbibigay-alam ito sa iyo o hihingi kami ng hayagang pahintulot mo.
Puwede mong isakatuparan ang mga karapatang nakasaad sa seksyon 10 anumang oras. Puwede mo ring bawiin ang iyong pahintulot, maliban na lang kung kinakailangan ang aktibidad ng pagpoproseso para matugunan ang anumang obligasyon ayon sa batas o para maibigay sa iyo ang anuman sa aming mga serbisyo. Puwede ka ring tumutol sa pagpoproseso kung sa tingin mo ay makakapinsala o makakasama para sa iyo ang ganitong aktibidad ng pagpoproseso.
Mula sa araw na matanggap namin ang iyong kahilingan, tutugon kami sa iyo sa loob ng hindi hihigit sa 21 araw.
Alinsunod sa mga tuntunin ng PDPA, may karapatan ang Ria na maningil ng bayarin para sa pagpoproseso ng anumang kahilingan sa pag-acess ng data.
20. Paunawa para sa mga residente ng New Zealand
Para sa lahat ng residente ng New Zealand, ang mga karapatang maaari mong isakatuparan kaugnay ng pagpoproseso ng iyong Personal na Data ay ang mga karapatang nakalista sa seksyon 12. Pakitandaang para sa pagsasakatuparan ng iyong mga karapatan, kailangan mong sundin ang mga tagubiling nakasaad sa seksyon 12 na nabanggit sa itaas.
Mula sa araw na matanggap namin ang iyong kahilingan, tutugon kami sa iyo sa loob ng maximum na 20 araw.
21. Paunawa para sa mga residente ng Australia
Para sa lahat ng residente ng Australia, ang mga karapatang maaari mong isakatuparan kaugnay ng pagpoproseso ng iyong Personal na Data ay ang mga karapatang nakalista sa seksyon 12. Pakitandaang para sa pagsasakatuparan ng iyong mga karapatan, kailangan mong sundin ang mga tagubiling nakasaad sa seksyon 12 na nabanggit sa itaas.
Puwede mo ring hilingin sa amin na ipaliwanag ang aming mga patakaran at kagawian sa data alinsunod sa naaangkop na batas.
Mula sa araw na matanggap namin ang iyong kahilingan, tutugon kami sa iyo sa loob ng hindi hihigit sa 30 araw.
22. Paunawa para sa mga residente ng India
Para sa lahat ng residente ng India, ang mga karapatang maaari mong isakatuparan kaugnay ng pagpoproseso ng iyong Personal na Data ay ang mga karapatang nakalista sa seksyon 12. Pakitandaang para sa pagsasakatuparan ng iyong mga karapatan, kailangan mong sundin ang mga tagubiling nakasaad sa seksyon 12 na nabanggit sa itaas.
Bukod pa rito, maaari mong isakatuparan ang iyong karapatan sa portability ng data at karapatang hindi masailalim sa automated na pagpapasya na magdudulot ng mga legal na epekto, tulad ng profiling, kung hindi kinakailangan ang nasabing profiling para maibigay sa iyo ang anuman sa aming Mga Serbisyo.
Mula sa araw na matanggap namin ang iyong kahilingan, tutugon kami sa iyo sa loob ng hindi hihigit sa 30 araw.
23. Ang aming kumpanya ayon sa serbisyo
Ang tagakontrol ay ang Ria, na kinakatawan ng mga kumpanya sa ibaba, depende sa bansa at serbisyo:
Serbisyo ng Pagpapadala ng Pera
Bansa | Kumpanyang kakaugnayin (tagakontrol) | Mga detalye sa pakikipag-ugnayan |
---|---|---|
United Kingdom | Euronet Payment Services Ltd. | Part 7th Floor, North Block, 55 Baker Street, London, United Kingdom, W1U 7EU |
Europe (Digital at mobile) |
Ria Lithuania UAB | Ukmergės g. 126, LT-08100, Vilnius, Lithuania |
Mga Ahente sa Europe | Ria Payment Institution EP SAU | Calle Cantabria 2, Planta 2 Alcobendas 28120 Madrid España |
Switzerland | Ria Financial Services GmbH | Place de Cornavin 14 – 16, Geneva - 1201 |
United States | Continental Exchange Solutions, Inc. | 6565 Knott Ave, Buena Park, CA 90620, USA |
Puerto Rico | Ria Financial Services Puerto Rico, Inc. | c/o Fast Solutions, LLC, Citi Tower 252 Ponce de Leon Avenue, Floor 20 SAN JUAN, PR 00918 |
Canada | Ria Telecommunications of Canada Inc | 1000, rue De La Gauchetière O (#2500) Montréal (Québec) H3B 0A2 |
Mexico | Ria México Payment Solutions, S. de R.L. de C.V. | Av. Insurgentes Sur, 686-B Despacho 1003, Colonia del Valle, Alcaldía Benito Juárez, C.P. 03100, Ciudad de México, México |
Chile | Ria Chile Servicios Financieros SPA | Región Metropolitana de Santiago, Santiago, Catedral 1401 |
Argentina | EURONET PAYMENT SERVICES LIMITED Sucursal de sociedad extranjera |
República Argentina: Santa Fe 1752, 1° piso, departamento A, Ciudad Autónoma de Buenos Aires. |
Malaysia | IME M SDN BHD | Unit 38-02, Level 38, Q Sentral 2A, Jalan Stesen Sentral 2, 50470, Kuala Lumpur |
Singapore | Ria Financial Services Singapore PTE. LTD. | 152, Beach Road, #19-01/02, Gateway East, Singapore 189721 |
Pilipinas | Ria Money Transfer, INC. | 38th Floor, Philamlife Tower, 8767 Paseo De Roxas, Makati City, Philippines |
Mga Store at Serbisyo ng Pagpapapalit ng Pera ng RIA.
Bansa | Kumpanyang kakaugnayin (tagakontrol) | Mga detalye sa pakikipag-ugnayan |
---|---|---|
Italy | Ria Italia S.r.l. unipersonale | Via Francesco Benaglia, n. 13 – Roma, 00153 |
Switzerland | Ria Financial Services GmbH | Place de Cornavin 14 – 16, Geneva - 1201 *** Ang nakarehistrong address ng kumpanya ay Langstrasse 192, 8005 Zürich |
France | Ria France S.A.S | 1 Rue du 19 Mars 1962, 92230 Gennevilliers, France |
Belgium | Ria Envia Belgium SPRL | Rue Joseph II, 36-38 - 1000 Bruxelles |
Germany | Ria Deutschland GmbH | Friedrichstr. 200 10117 Berlin |
Sweden | Ria Financial Services Sweden AB | Armégatan 40, 5 tr 171 71 Solna |
Norway | Ria Financial Services Norway AS | Skippergata 33, 0186 Oslo |
Denmark | Ria Financial Services Denmark ApS | Nørre Voldgade 21, 1358 København K |
Maaari kang magsumite ng kahilingan sa aming Data Protection Officer anumang oras, sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa sumusunod na address: dpo@euronetworldwide.com.
I-Follow kami